Exodo 19:5-6
Magandang Balita Biblia
5 Kung(A) (B) susundin ninyo ako at magiging tapat sa ating kasunduan, kayo ang magiging bayang hinirang. Ang buong daigdig ay akin ngunit kayo'y aking itatangi. 6 Kayo'y(C) gagawin kong isang kaharian ng mga pari at isang bansang banal.’ Iyan ang sabihin mo sa mga Israelita.”
Read full chapter
Isaias 43:20
Magandang Balita Biblia
20 Pararangalan ako maging ng mababangis na hayop
gaya ng mga asong-gubat at mga ostrits,
sapagkat nagpabukal ako ng tubig sa disyerto,
upang may mainom ang mga taong hinirang ko.
Exodo 19:5
Magandang Balita Biblia
5 Kung(A) (B) susundin ninyo ako at magiging tapat sa ating kasunduan, kayo ang magiging bayang hinirang. Ang buong daigdig ay akin ngunit kayo'y aking itatangi.
Read full chapter
Deuteronomio 4:20
Magandang Balita Biblia
20 Iniligtas(A) kayo ni Yahweh mula sa napakainit na pugon ng pagkaalipin sa Egipto upang maging kanyang bayang hinirang.
Read full chapter
Deuteronomio 7:6
Magandang Balita Biblia
6 Kayo(A) ay bansang itinalaga kay Yahweh. Hinirang niya kayo sa lahat ng bansa upang maging kanyang sariling bayan.
Read full chapter
Deuteronomio 14:2
Magandang Balita Biblia
2 Kayo(A) ay bansang itinalaga kay Yahweh. Hinirang niya kayo sa lahat ng bansa upang maging kanyang sariling bayan.
Read full chapter
Tito 2:14
Magandang Balita Biblia
14 na naghandog(A) ng kanyang sarili upang palayain tayo sa lahat ng kasamaan at linisin tayo upang maging kanyang sariling bayan na masigasig sa paggawa ng mabuti.
Read full chapter
Isaias 43:21
Magandang Balita Biblia
21 Nilalang ko sila upang maging aking bayan,
upang ako'y kanilang laging papurihan!”
Isaias 9:2
Magandang Balita Biblia
2 Nakakita(A) ng isang maningning na liwanag
ang bayang matagal nang lumalakad sa kadiliman;
sumikat na ang liwanag
sa mga taong naninirahan sa lupaing balot ng dilim.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.