Exodo 28:4
Ang Biblia (1978)
4 At ito ang mga kasuutang kanilang gagawin; (A)isang pektoral, at isang (B)epod, at (C)isang balabal, at (D)isang tunika na tinahing guhitguhit na naaanyong pariparisukat, isang mitra at isang pamigkis: at kanilang igagawa ng mga banal na kasuutan si Aarong iyong kapatid, at ang kaniyang mga anak, upang makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote.
Read full chapter
Exodo 39:27-29
Ang Biblia (1978)
27 (A)At kanilang ginawa ang mga tunika na lino na yaring hinabi para kay Aaron, at sa kaniyang mga anak,
28 At ang mitra na lino, at ang mga mainam na tiara na lino, at ang mga salawal na lino na kayong pinili na lino,
29 At ang bigkis na linong pinili, at kayong bughaw at kulay-ube, at pula, na gawa ng mangbuburda; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
Read full chapter
Exodo 39:41
Ang Biblia (1978)
41 Ang maiinam na pagkayaring kasuutan na gamit sa pangangasiwa sa dakong banal, at ang mga banal na kasuutan para kay Aaron na saserdote, at ang mga kasuutan ng kaniyang mga anak, upang mangasiwa sa katungkulang saserdote.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978