Levitico 17:15
Ang Biblia (1978)
15 (A)At yaong lahat na kumain ng namamatay sa sarili o (B)nilapa ng mga ganid, maging sa mga tubo sa lupain o sa mga taga ibang bayan, ay maglalaba ng kaniyang mga damit, (C)at maliligo sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon: kung magkagayon ay magiging malinis.
Read full chapter
Deuteronomio 14:21
Ang Biblia (1978)
21 (A)Huwag kayong kakain ng anomang bagay na namatay sa sarili: iyong maibibigay sa taga ibang bayang (B)nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, upang kaniyang kanin; o iyong maipagbibili sa taga ibang bayan: sapagka't ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios. (C)Huwag mong lulutuin ang guyang kambing sa gatas ng kaniyang ina.
Read full chapter
Ezekiel 4:14
Ang Biblia (1978)
14 Nang magkagayo'y sinabi ko, (A)Ah Panginoong Dios! narito, ang aking kaluluwa ay hindi nadumhan, sapagka't mula sa aking kabataan hanggang ngayon ay hindi ako (B)kumain ng namamatay sa sarili, o nilapa ng mga hayop; (C)o pumasok man ang kasuklamsuklam na karne sa aking bibig.
Read full chapter
Ezekiel 44:31
Ang Biblia (1978)
31 Ang mga saserdote ay hindi kakain ng anomang bagay na namamatay sa kaniyang sarili, (A)o nalapa, maging ibon o hayop man.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978