Mateo 12:46-50
Ang Biblia (1978)
46 Samantalang siya'y nagsasalita pa sa mga karamihan, (A)narito, ang kaniyang ina at ang (B)kaniyang mga kapatid ay nangakatayo sa labas, at ibig nilang siya'y makausap.
47 At may nagsabi sa kaniya, Narito, ang iyong ina at ang iyong mga kapatid ay nangakatayo sa labas, na ibig nilang makausap ka.
48 Nguni't siya'y sumagot at sinabi sa nagsabi sa kaniya, Sino ang aking ina? at sino-sino ang aking mga kapatid?
49 At iniunat niya ang kaniyang kamay sa kaniyang mga alagad, at sinabi, Narito, ang aking ina at ang aking mga kapatid!
50 Sapagka't (C)sinomang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit, ay siyang aking kapatid na lalake at aking kapatid na babae, at ina.
Read full chapter
Marcos 3:31
Ang Biblia (1978)
31 At (A)dumating nga ang kaniyang ina at ang (B)kaniyang mga kapatid; at, palibhasa'y nangakatayo sila sa labas, ay nangagpasugo sila sa kaniya, na siya'y tinatawag.
Read full chapter
Marcos 3:35
Ang Biblia (1978)
35 Sapagka't sinomang gumaganap ng kalooban ng Dios, ito'y ang aking kapatid na lalake, at aking kapatid na babae, at ina.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978