Mateo 20:26-27
Magandang Balita Biblia
26 Hindi(A) ganyan ang dapat umiral sa inyo. Sa halip, kung nais ninyong maging dakila, dapat kayong maging lingkod sa iba, 27 at kung sinuman sa inyo ang nagnanais maging una, ay dapat maging alipin ninyo.
Read full chapter
Marcos 9:35
Magandang Balita Biblia
35 Naupo(A) si Jesus, tinawag ang Labindalawa at sinabi sa kanila, “Ang sinumang nagnanais maging una ay dapat maging huli sa lahat, at maging lingkod ng lahat.”
Read full chapter
Marcos 10:43-44
Magandang Balita Biblia
43 Ngunit(A) hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo na nais maging dakila ay dapat maging lingkod ninyo, 44 at ang sinumang nais maging pinuno ay dapat maging alipin ng lahat.
Read full chapter
Lucas 22:26
Magandang Balita Biblia
26 Ngunit(A) hindi ganoon ang dapat mangyari sa inyo. Sa halip, ang pinakadakila ang dapat lumagay na pinakamababa, at ang namumuno ay maging tagapaglingkod.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.