Font Size
Mateo 6:9-13
Ang Biblia (1978)
Mateo 6:9-13
Ang Biblia (1978)
9 Magsidalangin nga kayo ng ganito: (A)Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo.
10 (B)Dumating nawa ang kaharian mo. (C)Gawin nawa ang iyong kalooban, (D)kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.
11 Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw.
12 At (E)ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin.
13 (F)At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami (G)sa masama. Sapagka't[a] iyo ang (H)kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa.
Read full chapterFootnotes
- Mateo 6:13 Ang ibang mga kasulatan ay wala nito.
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978