Mga Awit 78:24-25
Ang Biblia (1978)
24 (A)At pinaulanan niya sila ng mana upang makain.
At binigyan sila ng (B)trigo ng langit.
25 Kumain ang tao ng (C)tinapay ng makapangyarihan:
Pinadalhan niya sila ng pagkain Hanggang sa nangabusog.
Mga Awit 105:40
Ang Biblia (1978)
40 (A)Sila'y nagsihingi, at dinalhan niya ng mga pugo,
At binusog niya sila ng (B)pagkain na mula sa langit.
Juan 6:31-32
Ang Biblia (1978)
31 Nagsikain ang aming mga magulang ng mana sa ilang; gaya ng nasusulat, (A)Tinapay na galing sa langit ang sa kanila'y kaniyang ipinakain.
32 Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay na galing sa langit; kundi ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay na galing sa langit.
Read full chapter
1 Corinto 10:13
Ang Biblia (1978)
13 Hindi dumating sa inyo ang anomang tukso kundi yaong matitiis ng tao: datapuwa't (A)tapat ang Dios, (B)na hindi niya itutulot na kayo'y tuksuhin ng higit sa inyong makakaya; kundi kalakip din ng tukso ay gagawin naman ang paraan ng pagilag, upang ito'y inyong matiis.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978