Mga Bilang 14:2
Ang Biblia (1978)
2 (A)At inupasala ng lahat ng mga anak ni Israel si Moises at si Aaron: at sinabi sa kanila ng buong kapisanan, Nangamatay na sana tayo sa lupain ng Egipto! o kaya'y nangamatay na sana tayo sa ilang na ito!
Read full chapter
Mga Bilang 14:4
Ang Biblia (1978)
4 At nagsang-usapan sila, (A)Tayo'y maglagay ng isang kapitan at tayo'y (B)magbalik sa Egipto.
Read full chapter
Mga Bilang 14:11
Ang Biblia (1978)
Ang babala ng Panginoon at ang pamamagitan ni Moises.
11 At sinabi ng Panginoon kay Moises, (A)Hanggang kailan hahamakin ako ng bayang ito? at (B)hanggang kailan hindi sila mananampalataya sa akin, sa lahat ng mga tanda na aking ginawa sa kanila?
Read full chapter
Mga Bilang 14:24
Ang Biblia (1978)
24 Kundi ang (A)aking lingkod na si Caleb, sapagka't siya'y nagtaglay ng ibang diwa (B)at siya'y sumunod na lubos sa akin, ay aking dadalhin siya sa lupain na kaniyang pinaroonan; at aariin ng kaniyang lahi.
Read full chapter
Mga Bilang 14:30
Ang Biblia (1978)
30 Ay tunay na hindi kayo papasok sa lupaing (A)pinagtaasan ko ng aking kamay, na patatahanan ko sana sa inyo, (B)maliban si Caleb na anak ni Jephone, at si Josue na anak ni Nun.
Read full chapter
Deuteronomio 1:34
Ang Biblia (1978)
34 At narinig ng Panginoon ang tinig ng inyong mga salita, at nag-init, at sumumpa, na nagsasabi,
Read full chapter
Deuteronomio 1:36
Ang Biblia (1978)
36 (A)Liban si Caleb na anak ni Jephone; at siya ang makakakita; at sa kaniya ko ibibigay ang lupain na kaniyang tinuntungan, at sa kaniyang mga anak: (B)sapagka't siya'y lubos na sumunod sa Panginoon.
Read full chapter
Deuteronomio 1:38
Ang Biblia (1978)
38 (A)Si Josue na anak ni Nun, (B)na nakatayo sa harap mo, ay siyang papasok doon: (C)palakasin mo ang kaniyang loob; sapagka't kaniyang ipamamana sa Israel.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978