Mga Bilang 25:18
Ang Biblia (1978)
18 Sapagka't kanilang binagabag kayo ng kanilang mga (A)lalang na kanilang ipinangdaya sa inyo sa bagay ng (B)Peor, at sa bagay ni Cozbi, na anak na babae ng prinsipe sa Madian, na kanilang kapatid na namatay nang kaarawan ng salot dahil sa Peor.
Read full chapter
Mga Bilang 31:8
Ang Biblia (1978)
8 At pinatay nila ang mga hari sa Madian na kasama ng mga napatay: si (A)Evi at si Recem, at si (B)Zur, at si Hur, at si Reba, limang hari sa Madian: si (C)Balaam man na anak ni Beor ay kanilang pinatay ng tabak.
Read full chapter
Josue 13:21
Ang Biblia (1978)
21 (A)At ang lahat ng mga bayan sa kapatagan at ang buong kaharian ni Sehon na hari ng mga Amorrheo na naghari sa Hesbon, na siyang (B)sinaktan ni Moises na gayon din ang mga (C)pinuno sa Madian, si Hevi, si Recem, at si Sur, at si Hur, at si Reba, na mga prinsipe ni Sehon, na tumahan sa lupain.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978