Mga Gawa 19:29
Ang Biblia, 2001
29 Napuno ng kaguluhan ang lunsod at sama-sama nilang nilusob ang tanghalan, at sinunggaban sina Gayo at Aristarco, mga taga-Macedonia, na kasama ni Pablo sa paglalakbay.
Read full chapter
Mga Gawa 27:2
Ang Biblia, 2001
2 Pagkalulan sa isang barkong Adrameto na maglalayag sa mga daungan sa baybayin ng Asia, tumulak kami kasama si Aristarco na isang taga-Macedonia mula sa Tesalonica.
Read full chapter
Filemon 24
Ang Biblia, 2001
24 gayundin(A) nina Marcos, Aristarco, Demas, at ni Lucas na aking mga kamanggagawa.
Read full chapter
Mga Gawa 12:12
Ang Biblia, 2001
12 Nang kanyang mabatid ito, pumunta siya sa bahay ni Maria, ang ina ni Juan na tinatawag na Marcos, na kinaroroonan ng maraming nagkakatipon at nananalangin.
Read full chapter
Mga Gawa 12:25
Ang Biblia, 2001
25 At nagbalik galing sa Jerusalem sina Bernabe at Saulo nang magampanan na nila ang kanilang paglilingkod at kanilang isinama si Juan na tinatawag ding Marcos.
Read full chapter
Mga Gawa 13:13
Ang Biblia, 2001
Sa Antioquia ng Pisidia
13 At umalis mula sa Pafos si Pablo at ang kanyang mga kasama at nakarating sa Perga sa Pamfilia. Ngunit iniwan sila ni Juan at nagbalik sa Jerusalem.
Read full chapter
Mga Gawa 15:37-39
Ang Biblia, 2001
37 Nais ni Bernabe na kanilang isama si Juan, na tinatawag na Marcos.
38 Ngunit(A) minabuti ni Pablo na huwag isama ang humiwalay sa kanila mula sa Pamfilia at hindi sumama sa kanila sa gawain.
39 At nagkaroon ng mainitang pagtatalo, anupa't sila'y naghiwalay, at isinama ni Bernabe si Marcos, at naglayag patungong Cyprus.
Read full chapter