Mga Hebreo 9:8
Ang Biblia (1978)
8 Na ipinakikilala (A)ng Espiritu Santo, na hindi pa naihahayag (B)ang pagpasok sa dakong banal samantalang natatayo pa ang unang tabernakulo;
Read full chapter
Mga Hebreo 9:12
Ang Biblia (1978)
12 At hindi rin naman sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at ng mga bulong baka, kundi sa pamamagitan ng (A)kaniyang sariling dugo, ay pumasok na (B)minsan magpakailan man sa (C)dakong banal, na kinamtan ang walang hanggang katubusan.
Read full chapter
Mga Hebreo 9:24-25
Ang Biblia (1978)
24 Sapagka't hindi pumasok si Cristo sa dakong banal na ginawa ng mga kamay, na kahalintulad lamang (A)ng tunay; kundi (B)sa talagang langit, upang humarap ngayon sa harapan ng Dios (C)dahil sa atin:
25 At siya'y hindi rin naman kailangang ihandog na madalas pa ang kaniyang sarili, na (D)gaya ng dakilang saserdote na pumapasok sa dakong banal (E)taon-taon na may dalang dugo na hindi niya sarili;
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978