Exodo 25:22
Ang Biblia (1978)
22 At (A)diya'y makikipagkita ako sa iyo, at makikipanayam sa iyo mula sa ibabaw ng luklukan ng awa, sa gitna ng dalawang querubin na nangasa ibabaw ng kaban ng patotoo, tungkol sa lahat ng mga bagay na ibibigay ko sa iyong utos sa mga anak ni Israel.
Read full chapter
Mga Bilang 7:89
Ang Biblia (1978)
89 At nang si Moises ay pumasok sa tabernakulo ng kapisanan, (A)upang makipagsalitaan sa kaniya, ay (B)narinig nga niya ang tinig na nagsasalita sa kaniya, mula sa itaas ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng patotoo, na nasa gitna ng dalawang querubin: at siya'y nagsalita sa kaniya.
Read full chapter
Mga Awit 80:1
Ang Biblia (1978)
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Sosannim Eduth. Awit ni Asaph.
80 Dinggin mo, Oh Pastor ng Israel,
Ikaw na pumapatnubay (A)sa Jose na (B)parang kawan;
(C)Ikaw na nauupo sa ibabaw ng mga querubin, sumilang ka.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978